^

PSN Palaro

Cone kumpiyansang mangingibabaw uli

NB - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pananatili ng ka­ni­lang four-peat winning lineup, kumpiyansa si San Mig Coffee coach Tim Cone na patuloy silang mangi­ngibabaw para sa darating na PBA Season 40 kahit walang baguhin sa kanyang koponan.

“Winning the grand slam is not the end for us. We’re ready to win more,” wika ni Cone sa kanyang speech matapos tanggapin ang Baby Dalupan Trophy bilang Coach of the Year awardee sa 2014 PBA Press Corps Awards Night sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Cone, hindi nila gagalawin ang kanilang lineup kahit hawak nila ang No. 7 pick sa 2014 Gatorade PBA Rookie Draft bukas sa Robinson’s Place Manila.

Sinabi ni Rene Pardo, ang kinatawan ng San Mig Coffee sa PBA board of governors, na handa silang ipagpalit ang kanilang draft rights para sa future picks.

“I feel six draft hopefuls can make immediate impact in the PBA,” wika ni Cone tungkol kina Stanley Pringle, Matt Ganuelas, Chris Banchero, Kevin Alas, Ronald Pascual at Jake Pascual.

Ngunit aminado ang three-time Coach of the Year winner na makukuha pa ng Mixers ang ikaanim pagsa­pit ng kanilang draft pick.

At kumpiyansa pa rin si Cone na magiging ma­ta­gumpay ang darating ni­lang PBA season.

Lumagda si Mark Barroca ng isang three-year contract-extension deal, habang pinaplantsa na ang mga bagong kontrata nina Joe Devance at Rafi Reavis.

Samantala, pinuri naman ni SMC president Ramon S. Ang, ang Executive of the Year awardee, si Cone sa pagbibigay sa San Mig Coffee ng four-peat.

“He’s the best coach I’ve known,” wika ni Ang.

BABY DALUPAN TROPHY

CHRIS BANCHERO

COACH OF THE YEAR

EASTWOOD CITY

EXECUTIVE OF THE YEAR

JAKE PASCUAL

JOE DEVANCE

KEVIN ALAS

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with