^

PSN Palaro

Ang pararangalang Executive of the Year

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pararangalan si Ramon S. Ang, ang president at chief operating officer ng San Miguel Corporation, bilang Executive of the Year award sa 2014 PBA Press Corps Annual Awards Night bukas sa Richmond Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City.

Tatanggapin ni Ang ang nasabing award na ipi­na­ngalan kay Danny Floro, ang legendary owner ng two-time Grand Slam champion Crispa Redmanizers.

Ang San Mig Super Coffee Mixers, kasama ang San Miguel Beermen at Barangay Ginebra San Miguel Kings, ay nasa ilalim ng SMC corporate umbrella.

Si  Ang, kilala sa kanyang acronym na RSA, ay nasa likod ng agresibong pagbabago sa coach at palitan ng mga players sa mga koponan ng SMC.

At ang resulta nito ay ang pagwalis ng Mixers sa tat­long komperensya sa nakaraang season.

Tatayo namang guest of honor at speakers sina cage greats Fortunato ‘Atoy’ Co at Bogs Adornado kasama si Alaska team manager Dickie Bachmann sa kanilang pagkukuwento ng pagkumpleto sa three-conference sweep sa isang season sa naturang espesyal na okas­yon na may temang ‘There Are Champions…and There Are Grand Slam Champions!’

Ang tatlo ang makakasama ng mga scribes sa ilalim ni president Barry Pascua ng Bandera na nagkokober ng PBA beat sa pagpaparangal sa mga perso­nalidad na nangibabaw sa nakaraang 39th season kasama ang mananalo ng Coach of the Year at Executive of the Year.

Unang idinaos noong 1993, ang PBAPC Awards Night ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra, San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee at Talk ‘N Text.

ANG SAN MIG SUPER COFFEE MIXERS

AWARDS NIGHT

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL KINGS

BARRY PASCUA

BLACKWATER SPORTS

BOGS ADORNADO

EXECUTIVE OF THE YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with