Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. FEU vs NU
4 p.m. Ateneo vs La Salle
MANILA, Philippines - Kapwa umiskor ng panalo ang Tigers at ang Red Warriors sa pagsisimula ng second round ng 77th UAAP men’s basketball tournament.
Nagsalpak si Louie Vigil ng isang jumper at pumitas ng tatlong offensive rebounds si Aljon Mariano sa huling pitong segundo ng laro para tulungan ang University of Sto. Tomas sa 61-59 panalo laban sa minamalas na Adamson University, habang tinalo ng University of the East ang University of the Philippines, 68-48, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Vigil na may 13 points para wakasan ang three-game losing skid ng Tigers kasabay ng pagpapalasap sa Falcons ng pang-walong sunod nitong kamalasan.
Ang jumper ni Vigil ang nagbigay sa Tigers ng 60-59 abante sa huling 1:57 minuto sa fourth quarter, habang isinalpak ni Mariano ang free throw sa natitirang 7.3 segundo.
Tumalbog ang tangkang tres ni William Polican sa panig ng Falcons.
“Hindi kami maka-convert ng outside shots. Hindi kami maka-penetrate. Good thing, sa huli, naka-rebound. Maraming offensive rebounds si Aljon,” sabi ni UST coach Bong dela Cruz.
Umiskor si Jansen Rios ng 22 points kasunod ang 16 ni Don Trollano at 11 ni Axel Iñigo sa tropa ng Adamson.
Ito naman ang ikalawang sunod na ratsada ng Red Warriors matapos mahulog sa four-game losing slump.
Samantala, itataya ng Ateneo ang kanilang liderato sa pagsagupa sa karibal at nagdedepensang La Salle ngayong alas-4 ng hapon sa Big Dome.
Hangad ng Blue Eagles ang kanilang pang-pitong panalo sa pagsagupa sa Green Archers na sumasakay sa five-game winning streak matapos ang 0-2 panimula.
Nauna nang tinalo ng Ateneo ang La Salle, 97-86, noong Hulyo 20.
Sa unang laro sa alas-11 ng umaga ay maghaharap ang Far Eastern University at ang National University.
UST 61 – Vigil 13, Daquioag 11, Ferrer 8, Subido 8, Mariano 7, Sheriff 7, Lao 5, Abdul 2, Faundo 0, Lo 0.
Adamson 59 – Rios 22, Trollano 16, Inigo 11, Donahue 4, Polican 3, Baytan 2, Garcia 1, Aquino 0, Nalos 0, Monteclaro 0, Butron 0.
Quarterscores: 19-12; 35-29; 52-52; 61-59.
UE 68 – Mammie 15, Alberto 11, Olayon 10, Javier 6, Galanza 5, Jumao-as 5, Charcos 4, Guiang 3, de Leon 2, Hernandez 2, Arafat 2, Varilla 2, Palma 1, Cudal 0, Derige 0.
UP 48 – Reyes 19, Lao 10, Vito 7, Asilum 4, Moralde 2, Gingerich 2, Gallarza 2, Harris 2, Lim 0, Juruena 0.
Quarterscores: 18-7, 32-24, 51-38, 68-48.