East, West magpapasiklaban sa NCAA All-Star game

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan, City)

10:30 a.m. Ms. NCAA 2014

1 p.m.- Slam Dunk, three-point shooting

 competition

2:30 p.m.- East

vs West All-Stars

 

MANILA, Philippines - Magsasama-sama nga­yon ang mga tiniti­ngalang NCAA basketball players para mangalap ng pondo at itulong sa mga batang namamalagi sa Hospicio de San Jose.

Ang mga piling manlalaro ng San Beda, Perpetual Help, Arellano, San Sebastian at host Jose Rizal University ay magkakasama sa East habang ang mga players ng St. Benilde, Emilio Aguinaldo College, Letran, Mapua at Lyceum ang magkaka­grupo sa West sa kauna-unahang NCAA All Star Game.

Sa ganap na alas-2:30 gagawin ang laro at si Red Lions coach Boyet Fernandez ang hahawak sa East habang si Letran coach Caloy Garcia ang didiskarte sa West.

Bago ito ay magkakaroon muna ng mga side events na three-point shootout at slam dunk competition.

Sina Levi Hernandez ng Arellano, Kevin Racal ng Letran,  Travis Jonson ng St. Benilde, Philip Paniamogan ng Jose Rizal, Exeqiel Biteng ng Mapua, Anthony Semerad ng San Beda, Jamil Ortuoste ng San Sebastian, Harold Arboleda ng Perpetual, Jan Jamon ng EAC at Wilson Baltazar ng Lyceum ang magtatagisan sa 3-point shootout

Sina Kieth Agoveda ng Arel­lano, Rey Publico ng Letran, Jonathan Grey ng St. Benilde, Abdul Wahab ng JRU, Jeson Cantos ng Mapua, Ola Adeogun ng San Beda, Jaymar Perez ng San Sebastian, Ric Gallardo ng Perpetual, Sidney Onwubere ng EAC at Jebb Bulawan ng Letran ang kasali sa slam dunk.

Hinihingi ni Mancom chairman at JRU athletic director Paul Supan ang suporta ng lahat ng tumatangkilik sa liga lalo pa’t ang mabibiyayaan ng kikitain nito ay ang mga bata sa Hospicio de San Jose.

Show comments