Ravena namuno sa MVP race

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asa­han, bumandera si Kie­fer Ravena ng Ateneo De Ma­nila University sa ka­re­ra pa­ra sa Most Valuable Pla­yer award ng 77th UAAP men’s basketball tournament.

Matapos ang first round ng eliminations ay nagposte si Ravena ng 80 statistical points (SPs) para pamunuan  ang labanan.

Tatlong beses natalo si Ra­vena para sa MVP race.

Ito ay laban kina Bobby Ray Parks, Jr. (2011 at 2012) ng NU at Terrence Romeo (2013) ng FEU.

Pumangalawa kay Ra­vena si Jeron Teng ng nag­dedepensang De La Salle University sa kanyang 61.7143 SPs kasunod ang kakamping si Chris Newsome (60.4286), Mark Be­lo ng FEU (57.7143), Ka­­­rim Abdul ng University of Santo Tomas (56.1667), Al­fred Aroga ng National Uni­versity (55.4286), Mike To­lomia ng FEU (55.1426), Ate­neo rookie Arvin Tolenti­no (53.4286). Troy Rosario ng NU (53.2857) at Jason Perkins (50) ng La Salle.

Show comments