^

PSN Palaro

Oldies but goodies

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Siguradong madaming matutuwa kapag dumalaw na ang PBA Legends sa Singapore para maglaro ng mga exhibition games.

Kahit na may edad na ang mga ito, siguradong mag­titilian pa rin ang kanilang mga fans.

Si Alvin Patrimonio at Benjie Paras, parehong winners ng MVP title sa PBA, ang mangunguna sa PBA Legends na pupunta sa Singapore sa Oct. 10-12.

Daig pa nila Patrimonio at Paras ang artista nung kapanahunan at katanyagan nila. Di magkandaugaga ang mga chicks.

May edad na nga pareho pero hindi pa rin naman nawawala ang kaguwapuhan kaya tiyak na patok pa rin sa takilya oras na ipasok sa court.

Isama mo pa sila Gerry Codiñera, Bal David, Noli Locsin, Marlou Aquino, Ronnie Magsanoc, Atoy Co, Nelson Asaytono at si Vince “The Prince” Hizon.

Siguradong hit ang larong gaganapan nila.

Sinabi ni Paras na para sa mga fans ang kanilang ginagawa. Lalu na ang mga OFWs na nasa ibang bansa at halos wala nang panahon makauwi man lang sa bansa para mag-bakasyon.

“Maraming OFWs ang mabibigyan ng kasiya­han,” ani Paras, na sumikat din at nagkapa­ngalan  bilang isang artista at isang komed­yante.

Haharapin nila ang isang Singapore selection.

Marami-rami na ring bansa ang nabisita ng PBA Legends na naka­ilang laro na sa United States at Australia.

Minsan nga ay naka­kasama pa nila sila Kenneth Duremdes, Vergel Meneses at Rodney San­tos.

Coach ngayon ng Adam­son si Duremdes sa UAAP.  Si Meneses naman ang coach ng Jose Rizal University at si Atoy para sa Mapua sa NCAA.

Maganda rin makita ng kanilang mga fans kung may asim pa sila sa loob ng court.

Meron man o wala ay tiyak na magiging happy sila. Yan ang PBA Le­gends.

ATOY CO

BAL DAVID

BENJIE PARAS

GERRY CODI

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KENNETH DUREMDES

MARLOU AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with