^

PSN Palaro

Ginobili ‘di na maglalaro sa Argentina

Pilipino Star Ngayon

BUENOS AIRES - Hin­di na maglalaro si San An­tonio Spurs guard Manu Gi­nobili para sa Argenti­na matapos mabigong ma­kasali sa FIBA World Cup sa Spain dahil sa injury.

“Today, I can say for al­most certain, 98 percent, that I won’t play any more (for Argentina),” sabi ng 37-anyos na si Ginobili sa panayam ng Buenos Aires daily La Nacion.

Tinulungan ni Ginobili ang Spurs na makamit ang NBA title noong Hunyo ngu­nit ayaw siyang payagan ng San Antonio na kumampanya para sa Argentina sa World Cup bunga ng isang stress fracture.

May kasunduan ang NBA at ang world gover­ning body na FIBA kung sa­an tanging mga players at hindi ang koponan ang ma­aaring tumanggi sa imbitasyon para maglaro sa  na­tional team maliban kung ito ay isang “reasonable me­dical concern.”

Nilabag ito ng Spurs pa­ra huwag hayaan si Gi­nobili na maglaro para sa Argentina sa Spain na mag­sisimula sa Agosto 30 da­hil sa kanyang injury.

Sinabi ni Ginobili na wa­la siyang nararamdamang sakit ngunit “when I jump, push or brake on the par­quet (floor) is when it starts hurting.”

“If I’d played this tournament it would have been the last, that’s sure… It’s hard and it always will be to retire from this (Argentina) team,” dagdag pa nito.

Tinulungan ni Ginobi­li, ini­sip na magreretiro sa in­ternational competition no­ong 2012 London Olympic Games, ang Argentina na ma­kamit ang silver medal no­ong 2002 World Cup sa Indianapolis, ang gold no­ong 2004 Olympics sa Athens at bronze noong 2010 sa Beijing.

Apat na NBA titles ang nakuha ni Ginobili sa Spurs.

 

BUENOS AIRES

GINOBILI

IF I

LA NACION

LONDON OLYMPIC GAMES

MANU GI

SAN AN

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with