Pang-limang sunod na panalo inangkin naman ng Green Archers Blue Eagles ‘di maawat

Iniwanan ni Kiefer Ravena ng Ateneo si UE import Charles Mammie. Kuha ni JUN MENDOZA  

MANILA, Philippines - Muling ipinakita ni Kiefer Ra­vena ang kanyang husay sa sandaling nalagay sa bingit na kabiguan ang Blue Eagles.

Umiskor si Ravena ng 38 points, tampok ang jum­per sa huling 23 segundo sa fourth quarter na nagtulak sa laro sa overtime, para banderahan ang Ateneo de Manila University sa 93-91 pagtakas sa University of the East sa 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“The bottom line is, it was just desire for us to be able to get back from how many points down,” sabi ni Ateneo coach Bo Perasol.

Nagdagdag si Von Pes­sumal ng 19 points ka­­sunod ang 18 ni Chris New­some sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Nagposte ang Red Warriors ng isang 21-point lead, 38-17, sa 5:22 minuto ng se­cond period bago nakadikit ang Blue Eagles sa 75-78 agwat sa huling 1:11 minuto ng fourth quarter.

Ang jumper ni Ravena sa natitirang 23 segundo ang nagdala sa laro sa ex­tra period kung saan ina­­­­gaw ng Ateneo ang 91-85 abante sa huling 59 se­gundo.

Nalasap ng UE ang ka­nilang pang-apat na dikit na kamalasan matapos ang 2-0 panimula.

Sa ikalawang laro, du­mi­retso sa kanilang pang-limang sunod na panalo ang nag­de­depensang De La Salle Uni­versity matapos gibain ang University of Sto. Tomas, 83-70.

Nagtuwang sina Jeron Teng, Jason Perkins at Julian Sargent sa final canto para sa 78-66 abante ng Green Archers sa Tigers sa huling 57 segundo.

Show comments