Batang Gilas giba sa Angolans

DUBAI -- Hindi umubra ang bilis ng Philippine team sa mas matatangkad at mas malalakas na Angola nang isuko ang 72-82 kabiguan sa pagsisimula ng FIBA U17 World Championship dito sa Al Ahli Arena.

Umiskor si star gunner Jolo Mendoza, ang Most Va­lua­ble Player sa Southeast Asian region, ng team-high 16 points mula sa miserableng 7-for-26 fieldgoal shooting para sa kabiguan ng Batang Gilas.

Nagdagdag sina Jollo Go at Diego Dario ng 13 at 12 mar­kers, ayon sa pagkakasunod, para sa koponan na nakatakdang labanan ang Greece kagabi.

Hindi nakaporma ang magkapatid na Matt at Mike Nieto laban sa Angola na nagparada ng tatlong 6-foot-9 rim protectors at isang versatile power forward na si 6’6 Joao Jungo.

Humakot si Jungo ng 28 points, 11 rebounds at 3 blocks para sa Africans.

Angola 82 -- Jungo 26, Amandio 17, Miranda 12, V. Manuel 10, Do 6, Valente 5, De Sousa 4, Fernando 2, D. Manuel 0.

Philippines 72 --  Mendoza 16, Go 13, Dario 12, Desiderio 9, Dela Cruz 6, Ma. Nieto 6, Escoto 4, Mi. Nieto 2, Navarro 2, Padilla 2, Abadeza 0, Panlilio 0.

Quarterscores: 15-12; 41-32; 61-52; 82-72.

 

Show comments