Pinto itinakas ang Chiefs
MANILA, Philippines - Nakahablot ng offensive rebound tungo sa follow-up si John Pinto para itulak ang Arellano Chiefs sa 67-66 panalo sa St. Benilde Blazers sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nabigyan ng dalawang free throws si Dioncee Holts sa huling 3.1 segundo at lamang ng dalawa ang Blazers.
Pasok ang una pero sumablay ang ikalawa ni Holts pero ang alisto na si Pinto ang nakakuha ng rebound para sa winning basket.
May 19 puntos at limang rebound si Pinto para ilapit uli ang Chiefs sa kalahating laro pagitan sa nangungunang San Beda Red Lions sa 7-2 karta.
Nagwakas ang four-game winning streak sa pagkatalong ito ng Blazers tungo sa 4-4 baraha.
Naunang nakapagtala ng dikitang panalo ang host Jose Rizal Heavy Bombers sa 81-79 pananaig sa Emilio Aguinaldo College Generals sa unang laro.
Lumayo ng hanggang 13 puntos ang Bombers pero inunti-unti ng Generals ang pagbangon para mauwi sa klasikong endgame ang labanan.
Ang drive ni John Tayongtong sa huling 15 segundo ang naglapit sa EAC sa 80-79.
Nag-split sa charity stripes si John Ervin Grospe bago ang pinakawalang tres ni Tayongtong ay hindi tumama ng ring.
“It’s a good win because in the end, we showed composure,” wika ni JRU coach Vergel Meneses na sinolo ang ikatlong puwesto sa 5-3 karta. (ATan)
JRU 81 – Paniamogan 18, Asuncion 15, Teodoro 14, Sanchez 11, Mabulac 8, Grospe 6, Abdul Wahab 4, Benavides 3, Salaveria 2.
EAC 79 – Tayongtong 21, Happi 12, Arquero 12, Onwubere 11, Aguilar 10, Serrano 5, Santos 4, Jamon 4, Pascual 0.
Quarterscores: 18-24; 38-44; 66-56; 81-79.
Arellano U 67- Pinto 19, Jalalon 12, Agovida 8, Holts 7, Salcedo 6, Bangga 4, Gumaru 3, Ciriacruz 2, Palma 2, Caperal 2, Enriquez 2, Nicholls 0, Hernandez 0, Ortega 0, Cadavis 0
St. Benilde 66- Romero 21, Taha 16, Grey 13, Saavedra 7, Pajarillaga 4, Sinco 4, Bartolo 1, Jonson 0.
Quarterscores: 15-8; 30-26; 47-46; 67-66.
- Latest