Mt. Mayon Triathlon ilalarga sa Legazpi City

MANILA, Philippines - Sentro ng atensyon mula sa mga panatiko ng triathlon ang Legazpi City sa Albay na tatayong host ng 2014 Mt. Mayon Triathlon sa Agosto 10.

Ayon sa lokal organi­zers, bukas ang torneo para sa lahat na inaasa­hang sentro ng selebras­yon sa pagdiriwang ng Ibalong Festival sa nasabing  lalawigan.

May nakalaang tropeo at premyo sa mga magwa­wagi sa kompetisyon, ipinapalagay na pinakamalaking paligsahan na gaganapin sa lalawigan ngayong taon.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.mtmayontri.com

 

Show comments