Hindi pa man nagsisimula ang kanyang kampanya sa PBA at may bago na namang mundo na pinasok ang boxing superstar na si Manny Pacquiao.
Ito ang mundo ng MMA o Mixed Martial Arts na kung saan mas mabilis, mas brutal at sabi nga ng nakararami ay mas exciting ang labanan at banatan.
Sa MMA, manipis at maliit ang gloves at puwede gumamit ng kamao, siko, tuhod at paa ang mga contestants. Puwede ka upakan habang nakahiga sa sahig.
Exciting talaga at kadalasan ay madugo.
Naiulat kahapon na bumili ng shares o stocks si Pacquiao sa One FC, ang pinakamalaking promoter ng MMA dito sa Asia.
Hindi naman sinabi kung gaano kadaming shares ang binili ni Pacquiao pero tiyak na hindi ito barya. Tuwang-tuwa ang hepe ng One FC na si Victor Cui.
Hindi naman ibig sabihin na gustong lumaban ni Pacquiao sa MMA dahil may dalawang taon pa siya sa kontrata niya sa Top Rank.
Noon pa man, may mga naglalarong isip na rin ang nagtanong kung kaya nga kaya ni Pacquiao na lumaban sa MMA.
Kung sa tapang at tapang lang kasi ay meron si Pacquiao. Nandun din ang kanyang taglay na lakas at bilis.
Ayon kay Cui, nakita raw niya si Pacquiao nang sinubukan niyang magsuot ng MMA gloves. Ang sabi nga raw ni Pacquiao ay magiging kawawa ang sino man na tamaan ng kanyang mga suntok.
Dahil kung sa boxing gloves nga na mas malambot at medyo makapal ang kutson ay nakakabasag siya ng mukha pano pa kaya kung MMA gloves ang gamit niya.
Wag naman sanang lumaban si Pacquiao sa MMA kung saan naroon na rin ang mga Pinoy na sila Ana Julaton at Brandon Vera.
Ipaubaya mo na sa iba yan.