Sadorra ibabandera ang Phl sa chess Olympiad
MANILA, Philippines - Dumiretso si Grand Master Julio Catalino Sadorra sa Tromso, Norway mula sa United States para samahan ang Philippine men’s team sa pagsisimula ng 41st World Chess Olympiad.
Si Sadorra, naglaro ng college chess sa US para sa University of Texas Dallas, ang ookupa sa top board para sa koponang inulila nina GMs Wesley So at Oliver Barbosa.
Nauna nang inihayag ni So ang paglipat niya sa US Chess Federation at magiging assistant coach ng American men’s team, habang si Barbosa ay hindi makakasama dahil sa visa delays.
Ang kapalit ni Barbosa ay si GM John Paul Gomez na maglalaro sa Board Three, samantalang si International Master Paulo Bersamina ang sasalo sa puwesto ni So sa fourth board.
Si GM Eugene Torre ang makikita sa board three at gagawa ng makasaysayang ika-22nd stint niya sa biennial tournament na isa nang Olympiad record para sa pinakamaraming bilang ng Chess Olympiad appearances.
Si GM Jayson Gonzales ang magsisilbing playing team captain matapos umatras si US-based GM Rogelio Barcenilla, Jr. dahil sa terror threats sa Tromso.
“We’re hear to just play for flag and country regardless of the condition,” sabi ni Gomez.
- Latest