Chiefs inilaglag ang Altas

Laro Bukas (The  Arena, San Juan City)

12 nn  San Beda vs St. Benilde (Jrs/Srs)

4 p.m.  Mapua vs San Sebastian (Srs/Jrs)

MANILA, Philippines - Nakitaan ng malakas na paglalaro sa huling yugto ang Arellano Chiefs para pabagsakin ang Perpetual Help Altas, 97-85, sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Keith Agovida, John Pinto at Levi Hernandez ang mga nagtulong para tapusin ng Chiefs ang laro bitbit ang 29 puntos upang mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto sa 5-1 karta.

Tumapos si Agovida bitbit ang 22 puntos at 10 rebounds habang sina Pinto, Jiovani Jalalon, Hernandez at Allen Enriquez ay kumana ng 19, 16, 14 at 11 puntos upang dumikit ang koponan sa kalahating laro sa walang talong San Beda Red Lions.

“Alam kong kaya na­ming magpakita pero hindi ko inaasahan na ganito ang magiging start namin,” wika ng bagong Chiefs coach na si Jerry Codiñera.

Si Earl Thompson ay may 25 puntos habang sina Harold Arboleda at Juneric Baloria ay naghatid ng 24 at 18 pero ramdam ng Altas ang kakulangan ng suporta sa bench tungo sa ikalawang sunod na talo.

Dahil sa pangyayari, ang Altas ay bumaba mula ikatlong puwesto tungo sa pang-apat kasalo ngayon ang pahingang San Sebas­tian (3-2).

AU 97--Agovida 22, Pinto 19, Jalalon 16, Hernandez 14, Enriquez 11, Salcedo 4, Holts 4, Ortega 3, Nicholls 2, Gumaru 1, Bangga 1.

UPHSD 85--Thompson 25, Arboleda 24, Baloria 18, Jolangcob 7, Alano 5, Oliveria 2, Dizon 2, Lucente 2.

Quarterscores: 22-21, 41-45, 68-64, 97-85

Show comments