MANILA, Philippines - Naguguluhan si Go Teng Kok sa posisyon ng Philippine Olympic Committee (POC) patungkol sa gagawing PATAFA election ngayon sa Orchids Hotel.
Hindi magpapadala ng kinatawan ang POC sa halalan, isang aksyon na hindi nila kinikilala ang aktibidades na kakikitaan ng pamamaalam na ni Go sa pampanguluhan ng samahan na inokupahan sa loob ng 24 taon.
Tuloy ang halalan may kinatawan man ang POC o wala dahil naniniwala si Go na ito ang dapat na mangyari para matapos na ang pahirap na inaabot ng Pambansang atleta sa athletics.
Si dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Ella Juico ang itinutulak ni Go bilang kanyang kapalit at naniniwala na plantsado na ito matapos makausap ang ibang stakeholders ng PATAFA.
Para maging lehitimo ang eleksyon ay may sasaksing opisyales mula international federation mula International Association of Athletic Federation (IAAF) at Asian Athletics Association (AAA) bukod sa kinatawan galing ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ang mga NSAs ay kinakailangang nakarehistro sa SEC para kilalanin ng POC at mabigyan ng pondo ng PSC kaya’t kung makuha ng PATAFA ang pagsang-ayon ng nasabing ahensya ay wala ng dahilan para hindi kilalanin ang magiging resulta sa halalan ng POC at PSC.