^

PSN Palaro

Altas itataya ang malinis na Karta vs Bombers

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panatilihin ang hawak sa ikalawang puwesto ang nais ng Perpetual Help Altas sa pagbabalik ng 90th NCAA men’s basketball ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon mapapalaban ang Altas kontra sa host Jose Rizal na balak na buma­ngon matapos matalo sa huling laro.

Ang San Sebastian at Arellano ang magpapang-abot sa ikalawang laro at ang mananalo ang mana­natili sa ikatlong puwesto.

Bitbit ng dalawang ko­po­nan ang 3-1 karta at puwede pang makuha ng mananalo ang ikalawang pu­westo sa 10-koponang liga kung malasin ang Altas na sa ngayon ay may 3-0 karta.

Ito na ang pinakama­gandang panimula ng Per­petual sapul nang puma­sok si coach Aric Del Rosario sa koponan at ang maidaragdag na panalo ay maglalapit pa sa Altas sa nangungunang San Beda na may 5-0 baraha.

“Unpredictable ang JRU kaya’t hindi puwedeng magkumpiyansa,” wika ni Del Rosario.

Si Earl Scottie Thompson na gumawa ng kauna-unahang triple-double sa season ang muling mamumuno sa Altas.

Naghahatid si Thompson ng matikas na 22.7 puntos, 11 rebounds, 7 assists, 2 steals at isang block.

Sina Juneric Baloria at Harold Arboleda ang iba pang sasandalan ng Altas para manatiling walang talo pa sa liga.

Handa namang saba­yan ng Bombers ang laro ng Altas para makabangon agad mula sa 80-84 pag­yuko sa Lyceum Pirates.

Sina Philip Paniamogan at Michael Mabulac ang aasahan ni JRU coach Vergel Meneses pero mapapaganda ang tsansang manalo kung may iba pang makakatulong sa bench ang dalawang ito.

ALTAS

ANG SAN SEBASTIAN

ARIC DEL ROSARIO

DEL ROSARIO

HAROLD ARBOLEDA

JOSE RIZAL

LYCEUM PIRATES

MICHAEL MABULAC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with