^

PSN Palaro

Tempra Run Against Dengue tatakbo na sa Aug. 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniusog ng mga orga­nizers ng 2014 Te­m­pra Run Against Dengue ang karera mula Hulyo 20 sa Agosto 3 sa Cultural Center of the Philippines grounds para mabigyan ng panahong makapagpatala ng mga entries sa kolehiyo.

Hindi nakapagrehistro ang mga partner schools tulad ng Perpetual Help, Unibersidad de Manila at Pamantasan ng Pasay at iba pa dahil sa pagkakasuspinde ng mga klase sa loob ng 4 na araw dahil sa bagyong Glenda.

“Mahalaga ang partisi­pasyon ng mga estuden­yante sa aming advocacy run, kaya binibigyan namin sila ng ganitong pagkaka­taon,” ani Matt Ardina, events director ng nag oorganisang Subterranean Ideas. “Bukod dito, inaa­sahan din naming maulan ang darating na mga araw. Ang kapakanan ng mga mananakbo ay aming pinapahalagahan.”

Ang mga kikitain sa Tempra run, suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, May­nilad, Mortein Naturgard, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s, Vitwater, Banana Boat at Guard Insect Repellent, ay gagamitin para ipambili ng anti-dengue modalities na ipamimigay sa mga piling barangays.

Tuloy ang rehistrasyon sa Toby’s Arena sa Glo­rietta 2, Makati at Toby’s SM Manila.

Maaring tumawag sa (landline) 504-5990 o i-text ang (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at (Smart) 0918-2392009 para sa karagdagang detalye.

vuukle comment

BANANA BOAT

BUSINESS MIRROR

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

GUARD INSECT REPELLENT

HEALTH AND FITNESS MAGAZINE

MATT ARDINA

MORTEIN NATURGARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with