Heavy Bombers puntirya ang ika-3 dikit

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Chiefs na makabangon mula sa una nilang kabiguan, habang target ng Heavy Bom­bers ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Lalabanan ng Arellano University ang Mapua ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Jose Rizal University at Lyceum sa alas-4 sa 90th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ng four-peat champions na San Beda ang liderato sa kanilang bitbit na 4-0 record kasunod ang Perpetual Help (3-0), San Sebastian (3-1), Arellano (2-1), Jose Rizal (2-2), Lyceum (2-2), Emilio Aguinaldo (1-2), Letran (1-3), St. Benilde (0-3) at Mapua (0-3).

Nagmula ang Chiefs sa 81-90 kabiguan sa Red Lions noong Sabado na pumigil sa kanilang hangad na pangatlong sunod na ratsada.

 

Show comments