Dance Sports Midyear ranking

MANILA, Philippines - Aariba ang inaasahang 284 dance athletes mula sa ibat-ibang panig ng bansa upang maglaban sa Dance Sport Council of the Philippines (DSCPI) Midyear Ranking and Competition sa darating na Hulyo 19 sa Philsports Multi-purpose Arena, Pasig.

Ang mga kalahok ay magpapasiklaban sa iba’t- ibang kategorya kasama na ang bagong dance routine na Argentine Tango Salon.

Nagmula naman sa Seven World Dance Sport Federation ang tatayong hurado kasama sina Edgardo Borromeo, Crisaldo Rendon, Joel Ocsena, Bebot Adlawan at Edna Ledesma.

Ang mga tickets ay avai­lable na sa Dance Sport Training Center, Philsports Complex sa Pasig at Philsports Multi-purpose Arena sa mismong araw (Hulyo 19)  o kaya’y tuma­wag sa 637-2314 at hanapin sina Anna/Loriene.

Show comments