^

PSN Palaro

Germany hari ng 2014 FIFA World Cup

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO--Sinandalan ng Germany ang pamalit na si Mario Gotze para kunin ang 1-0 panalo sa Argentina at bitbitin pauwi ng kanilang bansa ang 2014 FIFA World Cup title na pinaglabanan kahapon sa nag-uumapaw na Macarana Stadium sa Brazil.

Mahusay ang pagkaka­gamit ni Gotze ng kanyang katawan para makuha ang cross pass galing kay Andre Schurrle bago nalusu­tan si Argentina goalkeeper Sergio Romero para sa natatanging goal sa laro na nangyari sa 113th minute.

Ito na ang ikaapat na World Cup title ng Germany at kapos na lamang sila ng isa para mapantayan ang nangungunang Brazil na may limang titulo.

Ang host ay hindi nakapasok sa championship round matapos durugin ng Germans, 7-1, sa semis.

Paborito ang Germany matapos ang ginawa sa Brazil at itinuring nga sila bilang pinakamahusay na koponan papasok sa huling laro ng torneo.

Ang best player ng torneo ay napunta kay Lionel Messi ng Argentina. Pero hindi niya napangatawanan ito nang sinayang ang pagkakataon na maitabla ang laro sa pamamagigtan ng free kick.

Binangga si Messi ni Bastian Schweinsteiger sa loob ng 10 yards para sa free kick na kung saan kila­lang mahusay ang itinutu-ring bilang pinakamahusay na football player ng mundo sa panahong ito.

Pero ang lahat ng pag­hanga ay naglaho nang lam­pas sa goal ang kanyang pinakawalang attempt.

Ang World Cup title na lamang ang kulang sa  mga koleksyon ng 27-anyos na striker.

Ang kabiguang ipasok ang free kick ang tumapos din sa hindi magandang ipinakita ni Messi nang pumasok ang kompetisyon sa knockout round.

 

 

ANDRE SCHURRLE

ANG WORLD CUP

BASTIAN SCHWEINSTEIGER

LIONEL MESSI

MACARANA STADIUM

MARIO GOTZE

MESSI

PERO

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with