^

PSN Palaro

Germans tututukan si Messi

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO--Hin­di na mahalaga para sa Germany at Argentina kung sino sa kanila ang paboritong manalo ng titulo sa FIFA World Cup na paglalabanan sa Linggo sa Maracana Stadium.

“At this point who is favorite, who is not, it doesn’t make a difference,” wika ni Argentina midfielder Maxi Rodriquez.

Ito ang ikatlong pagki­kita ng dalawang bansa sa championship match at naunang nanalo ang Argentina noong 1986 bago nakabawi ang Germany noong 1990.

Para sa Argentina, ang mata ay nakatuon sa ipa­kikita ni Lionel Messi na kung mapagtagumpayan na ibigay sa koponan ang titulo ay magseselyo sa kanyang puwesto bilang isa sa pinaka-mahusay na booter na naglaro sa prestihiyosong torneo sa football.

Hindi magiging madali ito dahil ang Germany ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na koponan na naglalaro sa World Cup.

Napapaboran ang Germans matapos ang 7-1 panghihiya sa host Brazil sa semifinals. Ang Argentina ay nakarating sa championship game mula sa 4-2 panalo sa penalty shootout laban sa Netherlands.

 Pero ang panguna­hing pagtutuunan ng Germany ay ang depensahan si Messi.

Huling nakatikim ng ma­laking panalo ang Germany ay noon pang 1996 sa European Championship kaya’t determinado ang kanilang manlalaro na wakasan ang matagal na paghihintay.

 

ANG ARGENTINA

EUROPEAN CHAMPIONSHIP

HULING

LINGGO

LIONEL MESSI

MARACANA STADIUM

MAXI RODRIQUEZ

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with