CLEVELAND -- Apat na taon makaraang iwanan ang Cleveland at lumipat sa Miami na nagbunga ng kritisismo at nagpaguho sa pangarap na kampeonato ng Cavaliers, bumalik si James sa kanyang tahanan para subukan at wakasan ang pagkauhaw sa titulo ng koponan.
Ang desisyon ni James ang tumapos sa dalawang linggong paghihintay ng mga kapwa niya players at ng buong liga.
“I looked at other teams, but I wasn’t going to leave Miami for anywhere except Cleveland,” wika ni James sa Sports Illustrated.
Hindi pa pumipirma si James ng kontrata ngunit tiniyak niya na muli siyang magsusuot ng Cavaliers jersey sa susunod na season.
Nasasabik naman ang Cleveland sa pagbabalik ng tubong Akron, Ohio na si James.
Si James ang pinakamahusay na all-around player sa NBA, isang four-time MVP na tinaguriang ‘The Chosen One’ na dating high school star.
Bilang isang 6-foot-8 at 260-pounder, kaya niyang umiskor kahit saan bukod sa pagiging best passers at defender.
James sa Cavs: I’m coming home