MANILA, Philippines - Nag-champion sa men’s open double category ang reporter ng Philippine Star at Pilipino Star Ngayon (PSN) sa badminton tournament na inorganisa ng pamunuan ng Manila Police District (MPD).
Sina Edu Punay ng Philippine Star at kapartner na si Mer Layson ng PSN ang nakasungkit ng kampeonato sa mahigit na isang buwan na liga na nagtapos kamakailan.
Sa executive men’s category ay sina P/Chief Supt. Rolando Asuncion, Director ng MPD at kapartner na si Deputy Director P/Sr. Sup. Rolando Nana ang nagwagi sa liga. Sa mixed double ay sina PO1 Nicodemus Lambas at SPO1 Shella Marie Pascasio habang sa ladies double, nakopo nina SPO3 Ofelia Torres at PO3 Edilene Madayag ang titulo.
Tinanghal namang 1st runner up sina P/ Supt. Marcelino Pedrozo at P/Chief Insp. Anthony De Leon para sa executive category.
Sa men’s double open ay sina P/Supt. Frumencio Bernal at PO3 Fernando Delos Angeles. Sa mixed doubles ay sina Danilo Garcia reporter ng PSN at Mary Ann Santiago reporter ng Balita habang sa ladies doubles ay sina P/Chief Insp. Lucile Faycho at SPO1 Maria Paciencia ‘Choco’ Mangsal.
Ang liga na nilahukan ng halos 20 team mula sa MPD Station 1 hanggang Station 11, Traffic, NUP at ibat-ibang division sa MPD Headquaters.