^

PSN Palaro

Bakbakan na sa UAAP La Salle vs FEU; UE vs UP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

2 p.m. UE vs UP

4 p.m. La Salle vs FEU

 

MANILA, Philippines - Sisimulan ng De La Salle University ang pagtatanggol sa kanilang korona sa pagbubukas ng 77th UAAP men’s basketball tournament nga­yong hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Lalabanan ng Green Archers ang Ta­ma­raws ng Far Eastern University sa alas-4 ng hapon matapos ang banggaan ng host University of the East Red Warriors at University of the Philippines Fighting Maroons sa alas-2.

Nanggaling ang La Salle sa  paghahari sa nakaraang Filoil Flying Premier Hanes Cup bilang paghahanda sa 77th UAAP season.

“We still have a lot of things to improve on,” wika ni head coach Juno Sauler, inihatid ang Taft-based ca­gers sa ‘Grand Slam’ ma­tapos magkampeon sa UAAP at PCCL noong na­karaang taon at sa 2014 Filoil Flying Premier Hanes Cup.

Muling ipaparada ng Green Archers ang hindi nila nagalaw na line up.

Ang mga ito ay sina Jeron Teng,  Almond Vosotros, Jason Perkins, Arnold Van Opstal, Thomas Torres at Norbert Torres.

Magbabalik para sa La Salle si 6-foot-8 center Yutien Andrada na hindi nakalaro noong naka­raang taon da­hil sa ACL (anterior cruciate ligament) tear.

Ibabandera ng Green Archers ang mga rookie recruits na sina Fil-Ams Julius Sargent at Jahal Tratter at Te­rence Mustre.

Sinabi ni Sauler na mas maganda ang outside shooting na ipapamalas ni Teng ngayong UAAP season.

“He has improved a lot on his outside shots and free throws,” wika ni Sauler sa 2013 UAAP Finals MVP awardee na nagposte ng team best na 15.3 points per game average. “Probably you’ll see him shoot the threes more.”

Noong nakaraang UAAP season ay tumipa la­mang si Teng,  anak ni  da­ting PBA  power forward Alvin Teng, ng 10 percent sa three-point range para sa La Salle.

Hindi rin siya inasahan ng Green Archers sa free throw line bunga ng mahina niyang 53 percent shooting.

Wala na ngayong taon sa line-up ng La Salle sina L. A. Revilla, Oda Tampus, Gabby Reyes at Luigi de la Paz.

Samantala, itatampok din ngayong UAAP season ang mga bagong coaches na sina Derrick Pumaren ng UE, Kenneth Duremdes ng Adamson, Bong Dela Cruz ng University of  Sto. Tomas at Rey Madrid ng UP.

Bukas ay magtatapat ang Ate­neo Blue Eagles at ang Adamson Falcons sa ganap na alas-2 ng hapon kasu­nod ang banggaan ng National University Bulldogs at University of Santo Tomas Tigers sa alas-4 sa Big Dome.

ADAMSON FALCONS

ALMOND VOSOTROS

ALVIN TENG

ARNOLD VAN OPSTAL

BIG DOME

FILOIL FLYING PREMIER HANES CUP

GREEN ARCHERS

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->