MANILA, Philippines - Magbibigay ng diskuwento sa mga corporate, school at grupong mananakbo ang ikatlong Tempra Run Against Dengue sa Hulyo 20 (Linggo), 4 a. m., sa Cultural Center of the Philippines grounds.
Maaari lamang tawagan ang (landline) 504-5990, (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at Smart (0928-2618028) para sa karagdagang detalye. Maari ring pumunta sa Toby’s Arena sa Glorietta 2,sa Toby’s-SM Manila para sa diskuwento.
Parte ng mga kikitain sa advocacy run na sinusuportahan ng Pasay City, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Sports Commission, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s, Vitwater, Banana Boat at Guard Insect Repellent, ay ipambibili ng iba’t ibang anti-dengue modalities na ipamamahagi sa mga day-care centers at barangay sa siyudad.
Kailangang magdala ng kahong walang laman ng Tempra syrup o drops o 10 empty blister packs ng Tempra tablets para makakuha ng P50 discount at makasali sa raffle, kung saan ang mga premyo ay LED TV, mountain bike, tablet, android cellphone, hotel accommodations, Star City GCs, Food GCs at movie passes.
Apat na kategorya ang bumubuo sa fun run--10k (P500), 4k (P400), 2k (P350) at Family Run (P300 sa bawat runner), kung saan ang magulang (o mga magulang) ay tatakbo ng isang kilometro kasama ang kanyang anak o kanilang mga anak.