^

PSN Palaro

Saludar, Suarez mainit ang simula sa Kazakhstan tourney

Pilipino Star Ngayon

ALMATY, Kazakhstan--Kaagad na umiskor ng panalo sina Rey Saludar at Charly Suarez para sa pagsisimula ng kampanya ng PLDT-ABAP team sa 4th Kazakhstan President’s Cup.

Nagtala ang 26-anyos na si Saludar ng unanimous decision win laban kay Kurmetov ng Kazakhstan mula sa mga iskor na 30-27, 30-27 at 29-28 para sa Polomolok, South Cotabato Army man.

Susunod na makakasagupa ni Saludar ay si Jorge ng Cuba.

Nirapido naman ni Suarez, nasa kanyang unang international tournament matapos lumaban para sa Milano Thunder sa World Series of Boxing noong 2013, si Ammar ng Iraq sa mga iskor na 30-27, 30-27 at 29-28.

Nagkaroon ng injury ang 26-anyos na si Suarez ng Sawata, Davao del Norte matapos magbalik sa bansa mula sa Italy noong Marso at hindi nakalaban sa loob ng halos isa at kalahating taon.

Makakatapat ni Suarez sa kanyang susunod na laban si Jumsakbaev ng Kazakhstan.

Ang iba pang lumalaban sa Almaty ay sina Rogen Ladon at Dennis Galvan.

Ang paglahok ng bansa sa torneo ay bahagi ng final selection process ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

ASIAN GAMES

ASSOCIATION OF BOXING ALLIANCES

CHARLY SUAREZ

DENNIS GALVAN

KAZAKHSTAN

KAZAKHSTAN PRESIDENT

MILANO THUNDER

REY SALUDAR

ROGEN LADON

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with