CLEVELAND-- Walang nangyaring eye contact para pagsimulan ng rekonsilasyon.
Naging matindi ang away ukol sa paghihiwalay nina LeBron James at Cavaliers owner Dan Gilbert.
Ngunit ngayon ay ikinukunsidera ni James na bumalik sa koponang inabandona niya apat na taon na ang nakararaan.
Minsang kinilala bilang basketball partners, halos hindi matiis nina James at Gilbert ang isa’t isa na magtinginan sa mga laro ng Miami Heat sa Cleveland sa nakalipas na apat na taon.
Maaaring nahilom na ng panahon ang naiwang sugat sa pagitan ng dalawa at halos napatawad na rin ng lungsod ang ginawa ni James.
Umaasa ang Cleveland, wala pang nakakamit na major sports championship sa halos 50 taon, para sa isang reunion.
Noong Linggo ay dinumog ng Cavs fans ang social media para sundan ang isa sa mga private jets ni Gilbert na nagtungo sa Fort Lauderdale, Florida.
Walang nakaalam kung nasa loob ng eroplano si Gilbert at kung may koneksyon ang kanyang biyahe sa NBA.
Sa inaasahang pagdedesisyon ni James ay nagkaroon ng pag-asa ang Cleveland na magbabalik sa kanial si James.
Sa Martes ay ang four-year anniversary ng pahayag ni James na “taking my talents to South Beach.”
Nakatakdang makipag-usap si James kay Heat president Pat Riley na nahikayat ang four-time league MVP na lumipat sa Miami noong 2010 ngunit maaaring mawalan na ng panahon para makumbinsi si James na manatili.