^

PSN Palaro

Messi, Robben magkakaalaman na

Pilipino Star Ngayon

RIO DE JANEIRO--Ang dalawa sa hinahangaang manlalaro sa World Cup na sina Lionel Messi at Arjen Robben ang magtatapat sa pagkikita ng Argentina at Netherlands sa semifinals na gagawin sa San Paulo, Brazil.

Ang papalaring koponan ang siyang makakalaban ng mananalo sa pagitan ng Brazil at Germany para sa World Cup title.

May apat na goals na si Messi pero ang maganda sa kanya ay ang kahusayan na hanapin ang mga kakampi sa ibinigay na 180 passes matapos ang limang laro.

“We have to cut the supply line to Messi,” pahayag ni Dutch defender Bruno Martins Indi sa Dutch website na Nu.ni.

Sa kabilang banda, may tatlong goals na si Robben pero ang maganda sa Netherlands ay hindi sa kanya lamang nakatuon ang pagpuntos.

Naririyan pa sina Robin van Persie at Memphis Depay na may tatlo at dalawang goals.

Lakas ng Dutch ang pag-counterattack at ito ang pinaghahandaan ng Argentina.

“We know that we will play against one of the best teams when it comes to counterattacks because of the speed of their men up front. So we have to take precautions to not give them the possibility to counterattack,” pahayag ni Argentina midfielder Javier Mascherano.

Hindi makakasama ng Dutch ang midfielder na si Nigel de Jong bunga ng torn groin muscle injury pero ang Argentina ay hindi magagamit ang serbisyo ni Real Madrid winger Angel Di Maria na may right thigh injury sa laro sa quarterfinals kontra Belguim.

Pero babalik ang striker na si Sergio Aguero na dumanas din ng kaparehas na injury ni Di Maria.

vuukle comment

ANGEL DI MARIA

ARJEN ROBBEN

BRUNO MARTINS INDI

DI MARIA

JAVIER MASCHERANO

LIONEL MESSI

MEMPHIS DEPAY

MESSI

REAL MADRID

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with