Federer vs Djokovic sa Wimbledon finals

WIMBLEDON, England--Sa nakaraang mga taon ay may mga batang tennis players na lumitaw at nagbigay ng hamon sa mga top netters.

Nanatili sa kanilang mga porma sina Roger Federer at Rafael Nadal at hinayaan lamang sina Novak Djokovic at Andy Murray.

Dalawang beses lamang sa nakaraang 37 Grand Slam tournaments ang nanalo ng korona sa labas ng ‘Big Four’.

Ito ay sina Stan Wa-wrinka sa nakaraang Australian Open at Juan Martin del Potro noong 2009 U.S. Open.

Maglalaban sina Djo-kovic at Federer sa Centre Court para pag-agawan ang korona ng Wimbledon.

Tinalo nina Djokovic at Federer ang dalawa nilang 23-anyos na nakasagupa sa semifinal round.

Giniba ni Djokovic, ang Serbian seeded No. 1, si No. 11 Grigor Dimitrov ng Bulgaria, 6-4, 3-6, 7-6 (2), 7-6 (7).

Pinayuko naman ni Federer, ang Swiss seven-time Wimbledon champion na No. 4 seed sa torneo, si No. 8 Milos Raonic ng Canada, 6-4, 6-4, 6-4.

 

Show comments