^

PSN Palaro

Best import si Reid de Ocampo Best Player

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng kabiguang maipasok ang Talk ‘N Text sa Finals ng 2014 PBA Go­vernors’ Cup ay nakamit pa rin ni Ranidel De Ocampo ang Best Player of the Conference award kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta ang 6-foot-5 na si De Ocampo ng ka­buuang 1,084 points para ungusan sina June Mar Fajardo (989) ng San Miguel Beer, Asi Taulava (638) ng Air21 (ngayon ay NLEX), Barangay Ginebra rookie Greg Slaughter (409) at Cliff Hodge (404) ng Meralco.

Ito ang kauna-unahang BPC  trophy ng 32-anyos na si De Ocampo.

Ang No. 4 overall pick ng FedEx noong 2004 PBA Draft ay hinirang na Finals Most Valuable Player noong 2012-2013 PBA Philippine Cup na pinagharian ng Tropang Texters.

Dahil sa kanyang pagkakapanalo ng BPC award ay opisyal nang ibinilang si De Ocampo sa labanan para sa 2014 PBA Most Valuable Player kaagaw si Fajardo at kakamping si Jayson Castro.

Sina Fajardo, De  Ocam­po at  Castro ang ba­bandera sa mga kandidato para sa Mythical Five Selection team kasama sina Taulava, two-time PBA MVP James Yap ng San Mig Coffee at Arwind Santos ng San Miguel Beer.

Ang iba pang nasa 20-man mythical team conten­ders ay sina Mark Barroca, PJ Simon, Marc Pingris at Joe Devance ng San Mig Coffee JVee Casio at Sonny Thoss ng Alaska, Alex Ca­bagnot at Jay Washington ng Globalport, Gary David ng Meralco, Paul Lee ng Rain or Shine, Joseph Yeo ng Air21 at sina Slaughter, LA Tenorio at Japeth Aguilar ng Ginebra.

Ang Best Import trophy ay napunta naman kay Arizona Reid ng Rain or Shine na nakakuha ng kabuuang 1,306 points.

Tinalo ni Reid para sa nasabing karangalan sina Marqus Blakely ng San Mig Coffee, Henry Walker ng Alaska at Paul Harris ng Talk ‘N Text.

Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang San Mig Coffee at Rain or Shine sa Game 2 ng PBA Finals habang sinusulat ito.

ALEX CA

ANG BEST IMPORT

ANG NO

ARIZONA REID

ARWIND SANTOS

DE OCAMPO

N TEXT

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with