Belgium pinatalsik na ang US team, Di Maria itinakas ang Argentina sa panalo
SAO PAOLO, Brazil-- Inihatid ni Angel Di Maria ang Argentina sa 2014 FIFA World Cup quarterfinals nang nakaiskor sa extra-time, 1-0, laban sa Switzerland na ginawa noong Martes dito.
Si Lionel Messi ang siyang nagbigay ng magandang pasa para kay Di Maria habang ang header ng Swiss substitute na si Blerim Dzemaili ay tumama sa goal post para umusad ang Argentina sa Last 8 sa ikatlong sunod na edisyon.
“We were clearly the superior in the second half. We played a wonderful match against a very hard team,” wika ni Argentina coach Alex Sabello.
May tatlong World Cup titles pero ang huli ay nangyari noon pang 1986, sunod na kakalabanin ng Argentina ang Belgium na pinagpahinga na ang US, 2-1, sa isa pang laro.
Sa extra time nagkatalo ang dalawang koponan at sina Kevin De Bruyne (93rd) at Romelu Lukaku (105th) ang siyang unang nakaiskor para umusad ang Belgium.
Ang 19-anyos na si Julian Green ang naghatid ng puntos para sa US sa 107th minute, pero hindi na nadagdagan ito dahil sa husay ni Belguim goalkeeper Thibaut Courtois.
Tampok na ginawa ni Courtois nang na-save ang free kick ni Clint Dempsey na nagpatabla sana sa laro.
Ito ang ikalawang sunod na World Cup na naalis ang US dahil sa pagkatalo sa extra time. Noong 2010 ay namaalam sila sa Ghana sa 2-1 iskor.
Ito naman ang pangalawang pagkakataon sa 12 beses na nasali sa World Cup ang Belgium na nakaalpas sila sa Round of 16.
- Latest