^

PSN Palaro

Mixers lalapit sa grand slam Painters babawi sa game 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

8 p.m. San Mig Coffee vs Rain or Shine

 (Game 2)

 

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Mixers na makalapit sa pinapangarap nilang Grand Slam.

Hawak ang 1-0 abante, sasagupain ng nagdedepensang San Mig Coffee ang Rain or Shine sa krusyal na Game Two ng kanilang best-of-five championship series para sa 2014 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa 104-101 panalo sa Game One noong Martes ay kinailangan ng Mixers na bumangon mula sa isang 17-point deficit sa third period para talunin ang Elasto Painters.

Humugot si two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng 10 sa kanyang 14 points sa fourth quarter, tampok dito ang isang three-point shot at jumper, para banderahan ang San Mig Coffee.

“Those were two of the toughest shots in basketball and he made it look easy on a very crucial time,” sabi ni San Mig Coffee head coach Tim Cone kay Yap.

Ngunit hindi kaagad umalis ng court si mentor Yeng Guiao at ang tropa ng Rain or Shine.

Ito ay dahil sa sinasabi nilang kabiguan ng mga referee na tawagan ng foul si forward Marc Pingris matapos kumagat sa fake ni Paul Lee bago tumunog ang final buzzer.

“It’s always tough when a game is decided on a call like that,” sabi ni Cone.

Humiling naman si Guiao ng pantay na tawagan sa Game Two.

“I just thought Paul got fouled on that last play,” protesta ni Guiao.

 Ang panalo ng Mi­xers sa Game Two ang mag­lalapit sa kanila sa inaasam na Grand Slam matapos pagharian ang 2014 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Ang Crispa ni coach Baby Dalupan ang unang kumuha ng Grand Slam nang magkampeon sa tatlong sunod na kom­perensya laban sa Toyota noong 1976 season at mu­ling nakamit ito noong 1983 sa ilalim ni mentor Tommy Manotoc.

Ang San Miguel Beer ni Norman Black ang nagposte ng ikatlong Grand Slam sa PBA noong 1989 kasunod ang Alaska, iginiya ni Cone, noong 1996.

ANG CRISPA

ANG SAN MIGUEL BEER

BABY DALUPAN

ELASTO PAINTERS

GAME ONE

GAME TWO

GRAND SLAM

GUIAO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with