^

PSN Palaro

Lady Bulldogs giniba ang Lady Maroons sa V-League

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa paglisan ni Dindin San­tiago ay may nakahandang kapalit ang National University sa katauhan ng nakababatang kapatid nitong si Jaja.

Gumawa ng 18 kills tungo sa 21 puntos ang 6-foot-4 na si Santiago pa­ra tulungan ang Lady Bulldogs sa 18-25, 25-19, 25-22, 25-23 panalo laban sa UP Lady Maroons sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakatuwang ni Santiago si Myla Pablo na may 12 kills upang bigyan ang koponang pumangalawa sa First Conference ng 54-43 bentahe sa attacks.

Si Ivy Perez ay kuminang din sa magkabilang du­lo ng court matapos mag­hatid ng 27 excellent sets na sinahugan pa ng apat na blocks para sa 1-0 karta ng NU sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

May 14 puntos si Pablo, habang pinaghatian nina Siemens Desiree Dadang at Jorelle Singh ang 20 pun­tos.

Ang Lady Maroons ay pinangunahan nina Kathe­rine Bersola at Nicole Anne Tiamzon sa 17 at 14 puntos at nagsanib sila sa 27 kills.

Gumana naman ang mga inaasahang manlalaro ng Ateneo Lady Eagles patungo sa madaling 25-15, 25-12, 25-21 tagumpay kontra sa PNP Lady Patrollers sa ikalawang laro sa li­gang may ayuda ng Accel at Mikasa.

Isa lamang sa 19 puntos ni Valdez ang hindi nang­galing sa atake na ka­ramihan ay mula sa ma­gandang set ni Julia Mo­rado na may 36 excellent sets.

Tanging si Frances Mo­lina ang nasa kondisyon na maglaro para sa PNP sa kanyang 12 puntos upang makasama ang UP sa hu­ling puwesto sa nasabing walong koponang liga.

vuukle comment

ANG LADY MAROONS

ATENEO LADY EAGLES

DINDIN SAN

FIRST CONFERENCE

FRANCES MO

JORELLE SINGH

JULIA MO

LADY BULLDOGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with