McDermott ite-trade ng Bulls para makuha sino man kina Love, Carmelo

DEERFIELD, Illinois -- Maaaring nakita na ng Chicago Bulls ang magda­ragdag sa kanilang opensa.

Nakuha ng Bulls ang draft rights kay Creighton forward Doug McDermott na magbibigay sa kanila ng pagkakataon para ma­kakuha ng mas malaking pangalan.

Puwede nilang ipain si McDermott para kay Kevin Love o si Carmelo Anthony mula sa free agency.

Ang naturang mga hak­bang ang maaaring mag­palakas sa low-scoring team na nanalo ng 48 laro sa kabila ng pag-upo ni franchise player Derrick Rose dahil sa isa na namang  season-ending knee injury. .

Hinugot ng Denver Nuggets si McDermott bilang No. 11 pick kasunod ang pagdadala sa forward sa Chicago kapalit ng 16th at 19th picks.

Show comments