Wiggins Top pick ng Cavs sa NBA Draft
NEW YORK-- Si Canadian cager Andrew Wiggins ng University of Kansas ang hinirang na No. 1 overall pick ng Cleveland Cavaliers sa NBA Draft.
Ano ang masasabi niya kay LeBron James para sa kanilang pagsasama sa Cleveland?
“I want to win,” sabi ni Wiggins. “If he wants to win, we’d be good together.”
Hindi pa natatapos ang draft ay nakatutok na ang atensyon ng lahat sa free agency na magsisimula sa Hulyo 1 kung saan sina James at Carmelo Anthony ang mga top prizes.
Sa pagbibigay ng mga so-called experts ng draft grades, ang maaaring maging mahalaga ay ang galing kay James sa kanyang Twitter matapos makuha ng Miami Heat si Shabazz Napier mula sa Charlotte Hornets para sa isang trade.
“My favorite player in the draft! (hashtag) Napier,” sabi ni James sa kanyang Twitter account.
Magtutungo si Napier sa Miami dala ang pag-eendorso sa kanya ni James at posibleng siya ang maging susi para manatili si James sa Heat.
- Latest