MANILA, Philippines - Huhugot ng lakas ang Perpetual Help Altas sa tema ng Season 90 sa NCAA basketball na ‘Heroes Today, Tomorrow’s Legend’.
Masasabing mas mahina ngayon ang Altas dahil wala na silang foreign players na sinandalan sa mga nagdaang taon para lumakas ang opensa at depensa ng koponan.
Pero tulad ng slogan ng liga, naniniwala si Del Rosario na makakahanap siya ng diamante sa mga baguhang manlalaro para maipagpatuloy ang magandang ipinakikita sa liga.
“Wala kaming import ngayon at kulang kami sa malalaki. Pero malaki pa rin ang chance namin na manalo,†pagtitiyak ni Del Rosario.
Babalik sa koponan ang matikas na scorer at hinirang bilang Rookie of the Year noong Season 89 na si Juneric Baloria.
Mas mabangis ito ngaÂyon dahil sa karanasan na nakuha habang naglalaro para sa Jumbo Plastic sa PBA D-League.
Ang Mythical Five member noong 2013 na si HaÂrold Arboleda ay maglalaro pa tulad ng iba pang beteÂrano na sina Earl Thompson, Justine Alano at Joel Jolangcob.
Ang mga bagito ay sina Gabriel Dagangon, Ric Gallardo, Melvin Rodriquez at Flash Sadiwa na kung bibigyan ng playing time ay pinaniniwalaan ni Del Rosario na lalabas ang angking husay ng paglalaro para makatulong sa kampanya ng Altas.
Pumasok ang PerpeÂtual sa Final Four sa huÂling dalawang edisyon ng pinakamatandang collegiate league sa bansa at walang nakikitang dahilan ang coaching staff na hindi magpatuloy ito lalo na kung hindi mawawala ang pagtutulungan ng kanilang plaÂyers.
Baon ng Altas papasok sa NCAA ang titulong inangkin sa Fr. Martin Summer Cup.