^

PSN Palaro

So ‘di maawat sa pananalasa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinakripisyo ni GM Wesley So ang kanyang rook para pasimulan ang malakas na opensiba tu­ngo sa 23-moves panalo ng Irregular Opening kay Canadian IM Raja Panjwani sa 9th Edmonton Chess Festival sa Canada kahapon.

Nagbitiw si Panjwani dahil sa  nakaambang mate para ibigay sa 20-anyos na si So ang ikatlong sunod na panalo.

Bunga nito ay nanati­ling kasali si So sa liderato kasama ang dating World Challenger na si Vassily Ivanchuk ng Ukraine na tinalo si Alex Yam ng Canada sa 35-moves ng English Opening.

Samantala, ipinalasap ni IM Jan Emmanuel Garcia ang ikalawang pagka­talo ni GM Joey Antonio sa 2014 Battle of the Grandmasters para masolo ang liderato sa open division.

Nagtagumpay si Garcia sa Berlin game para magkaroon ng 12 puntos matapos ang limang rounds.

Bumaba ang dating ka­salo sa liderato na si 62-anyos GM Eugene Torre nang nauwi sa tabla ang Slav game  nila ni Joel Pimentel matapos ang 39 moves.

May 11 puntos si Torre habang nasa ikatlong puwesto kapos ng kalahating puntos sina WFM Janelle Mae Frayna, IM Paulo Bersamina at GM John Paul Gomez sa 10.5 puntos. (AT)

ALEX YAM

BATTLE OF THE GRANDMASTERS

EDMONTON CHESS FESTIVAL

ENGLISH OPENING

EUGENE TORRE

IRREGULAR OPENING

JAN EMMANUEL GARCIA

JANELLE MAE FRAYNA

JOEL PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with