MANILA, Philippines - Dahil dikit-dikit ang mga kompetisyon na sasalihan ng Gilas national team kaya’t hindi maiaalis sa pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabahala kung ang kondisyon ng manlalaro ang pag-uusapan.
“Worry ko lang sunog na sila,†wika ni Pangilinan sa aasahang basketbolista ng bansa na maghatid ng kaÂrangaÂlan sa dalawang malalaking kompetisyon na saÂsaÂlihan ng Pilipinas.
Ang FIBA World Cup sa Spain ang pinakamalaking torneo na haharapin ng koponang hawak ni coach Chot Reyes na gagawin mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14.
Isang linggo matapos ang kompetisyong ito ay saka sasambulat ang Asian Games sa Incheon, Korea mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Bukod pa ito sa katotohanang nakikipagpukpukan ang mga manlalaro ng Gilas sa kanilang mother teams sa PBA at matapos ito at bago sumapit ang aktuwal na torneong lalahukan ay may mga training-competitions pa silang susuungin.
“It’s a heavy basketball calendar. We will compete in the FIBA-Asia Champions Cup in Wuhan. Babalik sila para sa sandaling pahinga tapos takeoff for US for training. Tuluy-tuloy na from US, will go to Spain. Depende kung may konting break, babalik pa sila ng Pilipinas before they go to Korea for the Asian Games,†paliwanag ni Pangilinan sa iskedyul na haharapin ng national team.
Ganito man kabigat ay naniniwala pa si Pangilinan na magagawan ito ng paraan upang matiyak na hindi ubos ang lakas ng mga players sa pagpasok ng dalawang mahahalagang kompetisyon.
Unulit ni Pangilinan ang kanyang pagnanais na umabante sa knockout round ang Gilas sa World Cup na kung saan ang huling sinalihan ng Pilipinas ay noon pang 1978 nang kinuha ng bansa ang hosting ng kompetisyon.
“We have to be realistic. Sa akin lang, kung makaabot tayo sa second round o Top 16, happy na ako doon,†may ngiting binigkas ni Pangilinan. (ATan)