Collegiate stars magpapasiklaban sa Shakey’s V-League Open Conference

Tinatalakay ni Moying Martelino, chairman ng Sports Vision sa media ang detalye sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Open Conference sa June 29, habang nasa larawan sina Ricky Palou, Sports Vision president at commissioner Tony Liao. (Jun)

MANILA, Philippines - Muling papagitna ang mga collegiate stars sa paghataw ng Shakey’s V-League Open Conference sa Linggo sa The Arena sa San Juan.

Itatampok sa torneo sina Alyssa Valdez ng Ateneo, Angeli Tabaquero ng Cagayan Valley, Jaja Santiago ng National University, Michelle Datuin ng Philippine National Police, Angeli Araneta ng UP, Dindin Santiago ng PLDT, Judy Caballejo ng Air Force at Rachel Ann Daquis ng Philippine Army.

Ngunit dapat ding abangan ang ilang bagong talento sa torneo, ayon kay tournament director Tony Liao.

lsa sa mga ito ay sina 6-foot-1 Bea de Leon ng Ateneo na inaasahang aagaw ng eksena bukod pa sa mga pla­yers mula sa Davao at Cebu.

Ito naman ang unang pagkakataon na maglalaro si Therese Gaston, anak ni dating PBA  player Fritz Gaston, sa V-League para sa Lady Eagles.

Sa ganap na alas-2 ng hapon ay maglalaban ang NU at ang UP kasunod ang banggaan ng Ateneo at PNP.

Idedepensa ng Cagayan Valley ang kanilang korona sa torneong kinabibilangan din ng Philippine Army, PLDT Home Telpad at Philippine Air Force.

Show comments