Ginobili lalaro sa Argentina, makakaharap ng Gilas sa Spain
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Gilas Pilipinas na makalaro ang NBA player na si Manu Ginobili nang ihayag nito na maglalaro siya sa Argentina sa FIBA World Cup sa Spain.
Sariwa si Ginobili sa pagtulong sa San Antonio Spur sa pagsungkit ng kanilang ikalimang NBA title. Giniba ng Spurs ang two-time champion Miami Heat sa limang laro.
Sa kanyang column sa pahayagang La Nacion, inihayag ni Ginobili ang paglalaro uli sa Argentina at ginawa niya ito matapos makipag-usap sa kanyang asawa.
“The main reason why I am playing is because of my wife. She supported me to do it. I know she makes an effort similar or more than mine and I value it a lot,†wika ni Ginobili.
Ang Argentina ay kasama ng Pilipinas sa Group B bukod sa Senegal, Puerto Rico, Greece at Croatia.
Ang kompetisyon ay gagawin mula Agosto 30 hanggang Setyembre 14 at ang Gilas ay katunggali ng Argentina sa Setyembre 1.
Ito ang unang pagkakataon mula 1978 na nakabalik ang Pilipinas sa World Cup at nangyari ito dahil pumaÂngalawa ang koponang hawak ni coach Chot Reyes sa idinaos na FIBA-Asia Men’s Championship noong nakaraang taon.
Makakasama sa pambansang koponan si NBA center Andray Blatche para pagtibayin ang paghahangad ng Gilas na makapasok sa knockout round.
- Latest