NCAA season 90 Codiñera walang pangako sa Chiefs pero...
MANILA, Philippines - Ang pagdating ni Jerry Codiñera ang siyang sinasandalan para makaalpas na ang Arellano Chiefs sa elimination round ng NCAA.
Si Codiñera ay tinapik noong Disyembre para maging ikatlong coach ng Chiefs kasunod nina Leo Isaac at Koy Banal.
Walang pangako na binibitiwan si Codiñera kundi ang gagawin niya ang lahat para mas maging palaban ang Arellano sa Season 90 ng NCAA men’s basketball na magbubukas sa Hulyo 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Tiwala sa isa’t isa, sa sistema at hardwork ang kailangang ipakita ng mga players sa taong ito,†wika ni Codiñera.
Hindi naman siya magsisimula sa wala dahil may materyales siya sa pamamagitan nina Keith AgoÂvida, Nards Pinto, Nichole Bangga, Julius Cadavis, Levi Hernandez, Prince Caperal, Ralph Salcedo at Fil-Canadian Zach Nichols na naglaro noong nakaraang taon at tumapos sa 8-10 karta.
Babalik din matapos ang tatlong taong pagkawala si Isiah Ciriacruz habang hinugot pa ng Chiefs ang mga Fil-Canadians na sina Dioncee Holts at David Ortega para punuan ang pagkawala nina James Forrester at AJ Serjue.
Walang problema sa opensa kaya’t sa depensa nakatuon si Codiñera sa mga naunang buwan.
Binigyan din niya ng atensyon ang mga big men na sina Caperal, Bangga at Cadavis dahil sila ang mangunguna para sa haÂngaÂring dominasyon sa shaded area.
“Ang laro na makikita ngayon sa Chiefs ay baÂlance na opensa at depenÂsa,†ani Codiñera.
- Latest