MANILA, Philippines - Dalawang tinitingala sa chess na sumibol sa magkaibang panahon ang magkasalo sa liderato sa idinadaos na 2014 National Chess Federation Philippines (NCFP) Battle of the Grandmasters sa PSC National Athletes Dining Hall sa Malate, Manila
Si Paulo Bersamina, edad 16-anyos at nanalo ng limang ginto sa katatapos na 15th ASEAN Age Group Championships sa Macau at ang 62-anyos na si GM Eugene Torre ay nakalikom na ng 4 ½ puntos matapos ang dalawang round ng kompetisyon.
Sinimulan ni Bersamina ang kampanya nang taÂlunin si GM Darwin Laylo sa first round bago bumangon mula sa one-piece down para maitabla ang laban kontra kay GM John Paul Gomez sa second round.
Si Torre na tumabla kay Gomez sa unang laban ay nanalo kontra kay IM Oliver Dimakiling sa ikalawang laro.
Si Jan Emmanuel Garcia ay may 4 ½ puntos din matapos makihati ng puntos kay Dimakiling at manalo kay Roel Abelgas.
May 11 kalalakihan at si WFM Janelle Mae Frayna ang kasali sa Open division habang 11 na kababaihan naman ang nagsusukatan sa women’s division.
Sina Queenie Lyn Reyes, Christy Lamiel Bernales at Cherry Ann Mejia ang siyang nangunguna sa kababaihan bitbit ang tig-4 ½ puntos.
Ginagamit ng NCFP ang kompetisyon para maging isa sa basehan kung sino ang mga manlaÂlaro na ipadadala sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway mula Agosto 1 hanggang 15.
Tig-limang manlalaro ang bubuo sa dalawang Pambansang koponan at dalawa na lamang ang bukas sa kalalakihan dahil seeded na sina GM Julio Catalino Sadorra, GM Oliver Barbosa at GM Wesley So.
Si So ay nasa line-up pa dahil hindi pa nagdedesisÂyon ang NCFP sa kahiliÂngan niya na lumipat ng US federation.