That’s my boy

CEBU CITY -- Sa kanilang weigh-in nung Biyernes ng tanghali dito ay muntik na magka-salpukan sina Al­bert Pagara at ang kanyang kalaban mula sa Mexico.

Medyo mayabang kasi ang boksingero mula sa Me­xico. Idinikit ba naman niya ang kanyang noo sa noo ni Pagara habang sila ay nagtititigan.

Hindi naman uurong ang ating bata at agad na iki­0nasa ang kanyang kamao at itunutok ito sa mukha ni Hugo Partida.

Nagka-girian ang dalawa at naghiyawan ang mga tao na nanood ng weigh-in. Tila gusto na nila mag-upakan sa taas ng stage.

Nakatakda ang laban kagabi sa Waterfront Hotel kung saan paglalabanan nila ang IBF Intercontinental junior-featherweight title.

Matapos ang timbangan ay nilapitan ko si Pagara para tanungin kung ano ang nangyari sa taas ng stage.

“Gusto na yata ma-knockout eh,” sabi niya sa kan­yang kalaban.

Undefeated ang 20-anyos na si Pagara at nangakong patutumbahin niya si Partida.

“Manood na lang kayo,” sabi niya.

Maari n’yo mapanood ang laban sa ABS-CBN ngayong tanghali at tingnan n’yo kung ano ang ibubuga nitong si Pagara.

Ang kanyang matandang kapatid na si Jason Pa­gara ay nakatakda ring lumaban kagabi sa isa pa ring Mexican boxer na si Mario Meraz

Para naman ito sa WBO International junior-welterweight title na tangan ng ating boksingero, na edad 22.

Hanga ako sa Pagara brothers na ito. At kung ma­giging impresibo sila rito ay baka ipadala sila ng ka­nilang mga promoters mula sa ALA Boxing Club sa United States para mag-training dun.

Malayo ang mararating ng dalawang ito.

Pero mas gusto ko ang style ni Albert.

May angas.

 

Show comments