RECIFE, Brazil--IpinagÂpatuloy ng Costa Rica ang panggugulat sa 2014 World Cup nang manalo ito sa Italy, 1-0, noong Sabado at umabante na sa knockout round.
Ang team captain na si Bryan Ruiz ang siyang naghatid ng natatanging goal sa laro na nangyari sa 44th minute ng laro para wakasan ang 24 taon na paghihintay para makita ang Costa Ricans na lumusot sa group stage.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Costa Rica matapos ang 3-1 come-from-behind tagumpay sa Uruguay para mauna pa sa mas pinaborang Italy at Uruguay na umabante sa Last 16.
Ang Italy na 9th ranked sa mundo, at Uruguay ay magtutuos para malaman kung sino sa kanila ang makakasama ng Costa Rica na aabante mula sa Group D.
Ang England na kumumpleto sa apat na bansa sa grupo ay namaalam na sa kompetisyon.
“After we won against Uruguay, we were really motivated,†wika ni Ruiz. â€
Nasa 34th puwesto ang Costa Rica sa ranking at noong 2010 ay hindi sila nakalusot sa group elimination kaya marami ang naniwala na hindi rin sila aabante sa edisyong ito.
Wala sa focus ang Italy at patunay nito ay ang 11 offsides sa laro habang may tatlo lamang ang CosÂta Rica.
Nanalo ang France sa Switzerland, 5-2, at ang Ecuador sa Honduras, 2-1, sa laro sa Group E.
Sina Olivier Giroud, Blaise Matuidi at Mathieu Valbuena ay gumawa ng tig-isang goal para bigyan ang France ng 3-0 kalamangan sa half time na sapat na para manaig ang koponan.
Huling laro ng France ay laban sa Ecuador at tabla lamang ang kanilang kailangan para umusad sa susunod na yugto ng kompetisyon.
Ito ang unang pagkakataon mula 1998 na binuksan ng France ang kampanya bitbit ang dalawang sunod na panalo.
Sa Paris ginawa ang 1998 edition at ang France kinilalang kampeon kaya’t nananalig ang mga panatiko na mauulit ang bagay na ito.
Ibinangon ni Enner Valencia ang Ecuador mula sa 0-1 iskor nang nakaiskor ng dalawang goals na nangyari sa 34th at 65th minute tungo sa panalo.