Blackwater Sports magpapa-tryouts

MANILA, Philippines - Magdaraos ang Blackwater Sports ng dalawang araw na tryouts sa susunod na linggo bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa PBA sa darating na season.

Inaanyayahan ang mga free agents at rookie aspirants na lumahok sa nasabing tryouts na nakatakda sa Martes at Huwebes mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa SGS gym sa Araneta Avenue, Quezon City, ayon kay coach Leo Isaac.

Determinado si Blackwater owner Dioceldo Sy na makabuo ng isang malakas na koponan na kayang makipagsabayan sa iba pang teams na kalahok sa pro-loop.

Isa ang Blackwater Sports sa tatlong teams na tinanggap ng PBA para sa kanilang ika-40th season na magbubukas sa Oktubre.

Show comments