MANILA, Philippines - Hindi nagkamali si Kobe Paras sa desisÂyon na iwan muna ang Philippine basketball at subukan kung makakagawa siya ng marka sa US.
Nabalita ang anak ng dating PBA MVP na si Benjie Paras sa LA Times nang gumawa ito ng magandang laro kahit natalo ang LA Cathedral sa Long Beach Poly, 50-57, DeMar De Rozan tournament sa Los Angeles.
Ang dating manlalaro ng La Salle Greenhills ay nagtala ng 22 puntos, kasama ang tatlong triples, bago na-foulout may 48 seÂÂgundo sa labanan.
Umani ng atensyon ang ipinakitang laro ng 6’6’ na si Paras dahil maging ang mga manonood ay isiÂnisigaw ang kanyang paÂngalang Kobe sa kabuuan ng labanan.
Sikat ang pangalang Kobe sa LA dahil dito nagÂlalaro ang NBA star na si Kobe Bryant para sa Los Angeles Lakers.
Sa panulat ng LA Times, hindi napigilan ng LA Cathedral coach na si William Middlebrooks na puriÂhin ang laro ng batang basÂketbolista na tumulak sa US noong nakaraang taon.
“He’s OK,†wika ni coach Middlebrooks. “He’s got a lot to learn.â€
Bago ito ay nakilala si Paras sa mundo nang kunin ang slamdunk title sa FIBA World 3-on-3 noong nakaraang taon na ginawa sa Jakarta, Indonesia.
Nasiyahan si Paras sa mainit na suporta ng mga manonood lalo na kapag binabanggit ang kanyang pangalan habang nasa loob ng court.
“It’s motivation when they scream my name. I can get pumped,†ani Paras.
Si Jordan Dallas ang nanguna sa Long Beach Poly sa kanyang 22 puntos
Ang ipinakita ni Paras ay magandang senyales sa LA Cathedral dahil nadagdagan ang kanilang arsenal sa susunod na seaÂson.
Ito ay dahil ang 6’10 BraÂzilian na si Lucas SieÂwart na kilala rin sa husay sa pagbuslo ay maglalaro na rin sa koponan.
Ang tambalang Siewart at Paras ay inaasahan ding magdadala ng mga manonood para panoorin ang galing ng dalawang batang manlalaro. (AT)