SAN ANTONIO--Hanggang ngayon ay ipinagdiriwang pa rin ng Spurs ang pagkopo sa kanilang pang-limang NBA championship.
Kahapon ay nagsagawa ang koponan ng victory parade.
“It is soaking in, but I’m still going to live it up for about the whole summer,’’ sabi ni NBA Finals MVP Kawhi Leonard.
“I haven’t slept very much. I’ve been trying to live the moment. It’s been hard to sleep still. Thought I would get some sleep after we won the finals, but I’m still celebrating. ‘Go Spurs Go! San Antonio!’’
Matapos kumulapso sa huling 25 segundo sa Game 7 kontra sa Miami Heat noong nakaraang NBA Finals ay muling umabante ang Spurs sa NBA Finals.
Ngunit ngayon ay pinayuko na nila ang Heat, 4-1, para sa unang korona ng San Antonio matapos noong 2007.
“I cried (last year). I think the rest of the city cried, too,’’ sabi ni Spurs fan Rosalinda Gonzalez. “How they lost, that was bad. It made this year’s victory even more sweeter, sweet. (And) the way we did it. All the games that we won were by a billion points. It was awesome. Great comeback.’’
Inestima ng San Antonio ang bilang ng mga fans sa 100,000 na dumalo sa River Walk parade at higit sa 60,000 sa Alamodome.
At nagdiwang ang mga fans na tila ito ang unang NBA championship ng Spurs.
Habang hinihintay ng mga fans ang pagdating ng mga Spurs sa Alamodome ay ipinalabas ang replay ng Game 5 ng finals sa mala-king video screens.
Sa pagtatapos ng laro ay nagdiwang ang mga fans na akala mo kasalukuÂyang nangyayari.
Sinigawan ng mga fans ang pagpapakita kay Heat star LeBron James habang naglalakad palabas ng court at masaya namang pinalakpakan ang pagkaÂkaÂhirang kay Leonard bilang Finals MVP.