JRU, Perpetual kapwa nagpalakas

MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang Jose Rizal University at ang Perpetual Help na maganda ang kanilang magiging kampanya para sa darating na 90th NCAA basketball tournament.

Nakapasok ang Heavy Bombers sa quarterfinal round ng nakaraang Filoil Flying V Hanes Premier Cup noong Mayo, habang nagkampeon naman ang Altas sa Fr. Martin Summer Cup.

Ayon kina head coa­ches Vergel Meneses ng Jose Rizal at Aric del Rosario ng Perpetual mas­yado pang maaga para magdiwang.

“Nothing to celebrate about,” wika ni Meneses.

“Iba ‘yung pre-season at NCAA. Hindi pa nagsisimula ang laban,” pagku­kumpara ni Del Rosario sa pre-season tournament at NCAA, nakatakdang magbukas sa Hunyo 28 sa MOA Arena sa Pasay City.

Muling ibabandera ng Jose Rizal sina Michael Mabulac at Philip Pania­mogan bukod pa kina Perpetual Help transferee Jaycee John Asuncion at 6-foot-7 import Abdul Wahab Abdul Razak ng Ghana.

Sasandig naman ang Perpetual kina Justin Alano, Harold Arboleda, Earl Scotty Thompson, Joel Jolangcob at Juneric Baloria.

Ang San Beda Red Lions ang muling tata­yong paborito para sa 90th NCAA season.

Pumangalawa ang Red Lions sa nagkampeong De La Salle University sa naka­raang Filoil tournament.

Kaagad na makakaharap ng Bedans ang JRU sa pagbubukas ng torneo kasunod ang laban ng Letran at San Sebastian.

 

Show comments