Webb uupo na sa bench ng Mixers

MANILA, Philippines - Mula sa pag-upo bilang television panel ng PBA ay uupo ngayon si Jason Webb bilang miyembro ng coa­ching staff ni head coach Tim Cone para sa San Mig Coffee.

“The San Mig Super Coffee Mixers are excited to announce that TV5 commentator and ex-PBA player Jason Webb will be joining the coaching staff of Tim Cone as an assistant coach,” sabi ni Cone sa kanyang text message.

Sisimulan ni Webb, ang 1997 PBA Draft third pick sa likod nina Andy Seigle at Nic Belasco at naglaro ng anim na seasons, ang kanyang trabaho sa semifinals series ng 2014 PBA Governors’ Cup.

Makakatapat ng Mixers ang Talk ‘N Text Tropang Tex­ters sa best-of-five semis showdown.

“We feel with his insights into the game and work ethic, he will be a valuable contribution to the staff,” wika ni Cone kay Webb, anak ni Olympian Freddie Webb at dating De La Salle Archer.

Si Webb ay naging miyembro ng Philippine team na nag-uwi ng gold medal noong 1985 SEA Games sa Chiang Mai, Thailand.

Nagkulang ang coaching staff ni Cone nang lumipat sina Jeff Cariaso at Olsen Racela sa Barangay Ginebra.

Sa kanyang 274 laro sa PBA mula 1997 hanggang 2003 ay nagtala si Webb, miyembro ng Parañaque City Board Council, ng mga averages na 3.2 points at 2.4 assists.

 

Show comments