Allowance ni So sinuspindi ng PSC

MANILA, Philippines - Habang wala pang pinal na desisyon si Grand Master Wesley So hinggil sa kung lilipat siya ng chess federation ay pansamantalang ibibitin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang monthly allowance.

“His allowance is suspended until he decides. Nasa kanya na ‘yon kung anong desisyon ang gagawin niya. Kung ayaw na niya, then it’s okay. We will respect his decision,” wika ni PSC chairman Richie Garcia.

Sa blog site ng kanyang coach na si Susan Polgar ay sinabi ni So na balak ni­yang lumipat sa United States Chess Federation (USCF) mula sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Ikinadismaya ng 20-anyos na tubong Bacoor, Cavite ang hindi pagbibigay sa kanya ng NCFP ng financial support.

Bilang ‘priority athlete’ ay tumatanggap si So ng monthly allowance na P40,000 mula sa PSC.

Sinabi naman kama­kailan ni NCFP president Prospero Pichay na mana­natiling miyembro si So ng NCFP hanggat wala silang natatanggap na official letter mula sa FIDE, ang international chess gover­ning body, na lumipat na ang Filipino GM sa USCF.

Show comments